nuff

Friday, September 20, 2013

WARNING: Ito ay naglalaman ng mga bagay tungkol sa Babala at Common Sense

Habang bumibili ako ng aking breakfast sa isang karinderya, narinig ko ang usapan ng isang binata at ng kanyang ina. Habang binabalot ang binili kong hotdog dumating ang binatang anak ng may ari ng tindahan.

Nanay: O nagbayad kayo?
Anak: Opo. 300 nga e.
Nanay: Eh ganun talaga.
Anak: Pero wala naman kasing nakalagay na sign na bawal tumawid.
Nanay: Eh alam mo namang walang tawiran doon eh.

Sa aking pagkakaindtindi sa pinag-uusapan nila ay nahuli ang anak ng jaywalking. Tumawid sya sa isang lugar na ipinagbabawal tumawid. Sa kanyang pananaw ay hindi sya mali dahil wala daw sign pero parang sa tunog ng pananalita ng ina e mali talaga ang ginawa ng anak.

Sa tingin ko may punto ang anak. Mahalaga kasi ang pagkakaroon ng signage. Ito ay nagsisilbing babala sa mga tao ng mga dapat at hindi dapat gawin at sya naglalayo sa kanila sa mga maaaring kapahamakang kanilang salubungin. Mahalaga ang pagkakaroon ng mga signage gaya ng "WALANG TAWIRAN, NAKAMAMATAY" na ngayon ay may isang pang bersyon na nagsasabing "BAWAL TUMAWID, MAY NAMATAY NA DITO" na sa totoo lang ay nakakapagpangiti sa mga first time na makakabasa nito.
image from lakbaydiwapinas.com
image from buhaylakbay.wordpress.com

Ang mga babalang tulad nito ay ginawa para sa kaligtasan ng mga mamamayan. Ang nakalulungkot lang ay kadalasan, may mga tao pa ring hindi sumusunod. And iba pa nga ay sadyang nananadya lamang na sumuway. Pero gayun pa man, kahit madalas itong suwayin, hindi pa rin dapat maging dahilan ito upang huwag ng ilagay ang mga babala dahil kahit papaano ay may mga maliligtas pa ring buhay dahil dito.

Pero sa isang banda, kung minsan naman ay kailangan din ng mga tao  ng common sense. Kung wala mang babalang nakalagay, kailangan pa rin naman ng taong mag-isip at gumamit ng common sense. Kung halimbawa, malapad ang kalyeng tatawirin at maraming mabibilis na sasakyan, dapat naman ay maisip nating hindi dapat basta basta na lamang tumawid. Maghanap ng overpass. oKung wala namang overpass, maglakad papunta sa may  intersection o kung saan may traffic sign dahil malamang ay naroon ang tamang tawiran. Hindi na kailangan sabihin na "BAWAL TUMAWID, MAY NAMATAY NA DITO" dahil obvious naman na delikado naman talagang tumawid sa mga ganong lugar.

Naisip ko tuloy ang isang kwentong aking narinig matagal na panahon na ang nakalipas. May isa raw American ang nagdemanda sa McDonald's dahil sya ay nadulas sa loob ng tindahan. Matagal na kaya  di ko na sigurado kung McDonald's nga pero kung ano mang tindahan ito ay iisa lang naman nais kong punto. Basa daw kasi ang sahig at walang nakalagay na "WET FLOOR" o "SLIPPERY WHEN WET" kaya sya nadulas. Hmmmm.....oo nga naman. Walang babala. Pero di ba obvious naman na pagbasa ang sahig e malamang na madulas yun? 
image from worldwidefilters.com

May isa pa ring kwento na sa McDonald's din ata nangyari. Nademanda rin daw sila dahil napaso ang isang customer dahil sa chocolate drink o coffee. Ang sabi, wala daw babala sa cup na "HOT" ito kaya napaso ang customer. Hmmmm......hindi ba masyadong obvious kung mainit o hindi ang coffee o chocolate drink?
image from fortybythirty.com

Ganun pa man, kahit obvious na ang isang bagay, mahalaga pa rin ang signage o warning sign. Karapatan ng isang customer o isang mamamayan na mapangalagaan ang kanyang kaligtasan. Ngayon, isang bagay na madalas mo ng makikita sa mga fast food chains gaya ng McDonald's ay ang dilaw na warning device na nagsasabing "Caution: Wet Floor". Gayun din ang warning sa takip ng drinks nila na nagsasabing "Caution: hot drink".


2 comments: