Janel Lim Napoles - ang larawan ay mula sa newsinfo.inquirer.net |
Nakakatawa nga namang isipin na binansagan na tanda ang isang senador na ang sabi ay si Sen. Juan Ponce Enrile. Sa tingin ko'y hindi naman ito minasama ni Sen. Enrile. Bukod sa hindi naman siguro kaila sa kanya na siya ay talagang may edad na ay magrereklamo ka pa ba lalo na't kung totoo ang laki ng halagang nakukuha nya sa mga transaksyon nya kay JLN.
Pero hindi lang ito ang mga bansag na nabunyag at nakasulat umano sa mga notebook na may sarisaring kulay. Sa mga notebook na ito naka saad ang mga transakyon daw nina JLN at nina "sexy" at "pogi". Yung alyas daw na "pogi" ay para kay Sen. Bong Revilla Jr. Hindi na ito kataka-taka kasi para sa maraming Pilipino e pogi naman talaga sya. Pero yung "sexy" na alyas umano ni Sen. Jinggoy Estrada (na hindi mabanggit-banggit ni Benhur Luy sa kanyang unang pagharap sa senado) ay nagdulot din ng hindi iilang halakhak o hagikhik mula sa mga nakarinig. Pero may justification naman e. Dati daw kasing mataba na nakapagbawas n ng timbang. Yun naman pala e.
Pero kung ating susuriin, nakakatawang isipin na hindi rin pala naiiba ang uri ng pagbabansag o panghuhusga na ginagawa ng mga taon "may pera" tulad nila JLN at ng mga kapus palad na buong araw na tumatambay lang sa may kanto o sa gilid ng lansangan at ganun na rin ng mga ordinaryong emplayado ng sumesweldo ng sapat o lagpas ng kaunti sa sapat.
Di nga bat ang pagbibigay ng bansag ay pangkaraniwan naring gawain ng maraming Pilipino? Sa mga opisina, di ba mayron kayong mga bansag sa mga boss nyong kinaiinisan ninyo? ganoon din sa mga kasamahan nyong di nyo makasundo. Maski nga sa mga kaibigan nyo minsan meron din kayong alyas lalo na pag hindi sila nakasama sa lakad.
Sa mga paaralan, ang mga mag-aaral ay may bansag din sa kanilang mga guro. Ms. Sungit, Ms. Tapia, terror, si kwatro, si babsy at kung anu-ano pa. Pero wag ka, ang mga guro meron din yang mga bansag sa kanilang mga estudyante.
Ang mga artista meron din yang mga bansag galing sa kanilang mga tagahanga at mga bashers. Sa isang website si Marian Rivera ay may bansag na "psychology" dahil sa pagbanggit nya minsan sa isang interview na "psychology ako" na marahil ay nangangahulugang psychology graduate ako. Meron din silang tinatawag na chopstick o toothpick. Meron "time giver" na sa aking hula ay si Toni Gonzaga. May masasama pa ngang salita tulad ng "halitosis" o "malamdi".
Ang punto ko ay kahit saan meron kang maririnig na mga basag sa mga taong ayaw o gusto natin. Maaaring ang mga ito ay may katotohan o dili kaya naman ay nagsisilbing pang-aasar lamang.
Bilang katuwaan, sige nga, isipan natin ang ilang mga personalidad ng magandang alyas. Bato, bato sa langit, ang tamaan, ewan.
Halaw po ito sa mga narinig ko sa mga usap-usapan o nabasa sa mga sites kung saan-saan. Hindi po ako nalilibak o nanlalait. Sinasabi ko lang pa ang aking mga narinig.
(1) VP Jejomar Binay - "negro"na sa tingin ko ay hindi naman nya kinaiinis
(2) Sen. Nancy Binay - ano pa ba e di "negra" na sa pagkakaalam ko ay nagawa pa nga nyang positive nung panahon ng kampanya.
(3) Megastar - "negastar" dahil daw sa kanyang pagpatol sa mga bashers sa twitter.
(4) President Noynoy Aquino- "penoy" bilang palalaro sa nakasanayang bansag sa kanyang PNoy
(5) Ruffa Gutierrez - "cougar" dahil daw sa mga pinaggagagawa nya sa edad nyang yan. Sa tingin ko e hindi pa naman ganun katanda si Ruffa para bansagang cougar.
Ruffa Gutierrez - ang larawan ay mula sa www.abs-cbnglobal.com |
(6) Ruffa Mae Quinto - "booba" halaw sa kanyang mga roles sa pelikula
(7) Atty. Lorna Kapunan - "eyeshadow" dahil marahil sa kanyang kakaibang hilig sa paglalagay ng eyeshadow
(8) Sen. Miriam Santiago - "brenda" na lumabas noon pang 1992 presidential elections. Dahil sa tapang at galing nya at sa mga hirit nyang kakaiba e hindi ko alam kung ito ba'y makatarungang bansag o nakakatawa lamang.
(9) Vice Ganda - "giddy", "horsey", at marami pang iba dahil (nga ba?) sa kanyang role na Petrang Kabayo.
(10) Marian Rivera - bukod sa "psychology" e tinatawag din "meynteyn" dahilsa pagbigkas nya ng salitang maintain.
Vice Ganda - ang larawan ay kinuha ko sa philSTAR.com |
O ha, walang magagalit. Sige ka mababansagan kang "pikon". Hahaha
No comments:
Post a Comment