image from www.how-to-draw-funny-catoons.com |
Naisip ko tuloy kung meron na nga bang nakahandang wheelchair sa labas ng Senado ng Pilipinas. Alam nyo naman siguro na merong mga nagaganap ng hearings in aid of legislation tungkol sa PDAF o pork barrel scam. At di rin naman siguro lingid sa inyong kaalaman na marami ang biglang napapaupo sa wheelchair sa ganitong mga panahon.
Sigurado akong natatandaan nyo pa ang mga nagdaang kilalang tao na naging aksesorya ang wheelchair tuwing may ganitong pagdinig sa Senado. Sa mga di kalayuang nakaraan e matatandaang ginamit ito ng dating Chief Justice Renato Corona. Gayun ang dating Pangulong si Gloria Macapag Arroyo. Para sa akin, ang pinaka-bongga ang pagkakagamit ng wheelchair ay si PGMA dahil ito ay kanya pang kinomplementahan ng mga braces sa leeg. At hindi rin naman maikakailang nangayayat nga sya noong mga panahon ngayon.
Pero nalik tayo sa aking naisip noong makita ko ang wheelchair na yon sa Shangri-La. handa na nga kaya ang mga senador na damay sa pork barrel scam na maupo sa silyang de gulong? Ang katanungang ito ay nasagot na iilang araw pa lang matapos ko itong maisip. Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada ay naka-confine ngayon sa ospital si Sen. Juan Ponce Enrile dahil sa high blood pressure. Hmmmm.....hindi man sya nagpakita sa senado ng nakaupo sa wheelchair e hindi kataka-takang umupo rin sya dito papasok ng ospital. At sinong makapagsasabi kung hindi nga ba sya uupo sa silyang de gulong sa mga susunod na pagdinig. Harinawa'y bumuti ang kayang pakiramdam ng hindi magkaubusan ng wheelchair kasi marami pang mga personalidad na nadadawit.
Ang wheelchair ay mainam na upuan para sa mga taong ma karamdaman. Ito ang kanilang nagiging gabay kung hindi na sila makalakad ng maayos bunsod ng karamdaman. Ito ang kanilang paraan para makalabas o makalayo o makarating kung saan man ang lugar na kanilang nais puntahan. Ito ang kanilang paraan upang makatakas sa hirap na pinagdadaanan.
image from telegraph.co.uk |
Ganito rin kaya ang nararamdaan ng mga nasasakdal sa kanilang pag-upo sa wheelchair? Ito bay nagsisilbing gabay nila upang makausad papunta sa isang lugar na kung maaari ay nais nilang iwasan ngunit kailangang puntahan o ito bay gabay upang silay makausad papalayo sa pinagdadalhan/ Ito bay kanilang paraan upang makalayo sa problema? Ito bay kanilang ginagamit upang makatakas sa mga nakaambang problemang sa kanila'y humaharang. Hindi natin alam. Sila lamang ang maaring makasagot nyan.
No comments:
Post a Comment