image from www.philstar.com |
Isang malaking pahinga itong pagkakapanalo ni Maegan Young sa Ms. World 2013 dahil araw-araw na lang ay puro mga hindi magagagandang balita ang ating naririnig. Napoles. Revilla. Enrile. Estrada. Pork Barrel. Zamboanga. Magandang balita ito sa ganitong madilim na panahon para sa ating bansa.
Maganda naman talaga si Maegan di ba? Walang duda na umangat ang kanyang angking ganda at talino sa pageant na ginanap sa Indonesia. Hindi naman katakataka na sya ay manalo dahil sa mga competitions bago ang actual na pageant e talaga namang matunog na matunog ang pangalan nya.
Ang nakakatuwa bukod sa pagkapanalo nya ay nabalitaan kong gumamit daw sya ng mother tongue sa isang interview. Kahit na magaling syang mag English e makikita mong proud syang sya ay isang Filipina. Nakakatuwa rin na nakasama sya sa world dances at ipinakita nya ang singkil na alam nating sayaw sa Sothern part ng Pilipinas. Isa itong sayaw ng mga Muslim. Magandang move na ito ang pinili nyang sayaw sa gitna ng controversy na bumabalot sa Ms. World 2013 dahil sa protesta ng mga Muslim groups.
Nakakatawa lang na sa isang balita daw sa CNN (na hindi ko pa naman na verify kung totoo) ay naka headline na she was born in the US. Totoo naman pero atin ang panalong ito sa wala muna sanang makihati hehe. Itong pagkakapanalo nya bilang Ms. World 2013 at victory nating mga Filipino kaya ipagbunyi natin at ipagmalaki.
Mabuhay ka Ms. Maegan Young. Mabuhay ang ganda at galing ng Filipina.
Playgroup Singapore go Philippines :D konti pa. marami pa tayong galing, talino at ganda
ReplyDelete