nuff

Wednesday, September 18, 2013

Pedicab Driver - My Husband's Lover?

Kahapon nakisilong ako sa may isang sari-sari store upang maghintay na tumila ang ulan. Habang ako'y nakatayo, narinig ko ang grupo ng mga pedicab drivers na nag-uusap.

PD1: oo nga, nagpakamatay sya.
PD2: hindi naman sya natepok....di naman natuluyan
PD1: pero nagbaril pa rin
PD3: hindi mo rin naman masisisi si Vincent kasi talagang gulong-gulo na sya
PD1:  kasi naman si General e. siguro na rape yun ng bakla sa kampo.

O, kung ikaw kaya ang marinig nyan hindi ka ba magugulat? Mga drivers nanonood ng My Husband's Lover? Hindi naman sa panghuhusga ha pero eto kasing mga drivers na ito yung tipong medyo mag-aalangan kang sumakay sa gabi lalo na kung babae ka. Hindi naman sa pangmamaliit pero hindi sila yung tipikal na friendly neighborhood drivers. Hindi mo talaga iisiping sa una e manonood sila ng drama sa telebisyon tulad ng My Husband's Lover at lalo ng teleseryeng tungkol sa bakla tulad nga ng My Husband's Lover.

image from www.gmanetwrok.com

So ano ang punto kong nais sabihin dito. Walang masyado. Isa lang itong patunay na marami talaga ang nanood ng palabas na iyon. At isa rin itong patunay na hindi naging hadlang ang di pangkaraniwang tema na iyon upang panoorin sya hindi lang ng mga babae kundi ng mga lalaki rin.

image from www.gmanetwork.com
Sabi ko kanina di pangkaraniwang tema ang temang My Husband's Lover. Hmm....maaring hindi it pangkaraniwang main theme ng isang palabas sa telebisyon pero kung tutuusin, madalas ng kalahok ng mga istorya ang usaping bakla. Kadalasan ng lang e pahapyaw lang o di kaya ay inilagay lang upang magbigay ng katatawanan.

Wala naman talaga akong masyadong punto. pero kung kailangan kong magpakalalim e eto na lang ang ipipilit ko mema (memasabi) lang. Itong aking nasaksihan ay isa lamang pahiwatig na hindi sa anyo o itsura ng tao lamang dapat ibase ang kanyang katauhan. Hindi porke't mukhang brusko o sabihin na nating mukhang sanggano ang isang tao e wala na silang karapatan magaka interes sa mga may kalambutang bagay tulad ng teleseryeng tungkol sa syoke (batay sa salita ni Genral Armando Soriano). At sa ganun ding linya e hindi rin dapat husgahan ang mga bading dahil sila ay bading. Ang kanilang pagkatao ay hindi dinidiktahan ng kanilang sexual orientation lamang kaya't hindi sila dapat husgahan dahil doon lamang.

image from 7107simplejoysofbeingpinoy.wordpress.com

O ayan, naipilit ko ng magkaroon ng mas seryosong punto ang post na ito. So ano na nga kaya ang mangyayari kay Vincent at Lally? Sila pa rin kaya hanggang sa huli bilang sila ay kasal at may mga anak na? Sa sulat ni Vincent kay Lally mukhang mahal naman nya si Lally e. Ganda nga ng pagmamahak na yon dahil hindi pagmamahal na nababahiran ng ano mang uri ng pagnanasa. E may Vincent at Eric kayang matutunghayan sa huli? Mukha namang mahal rin nila ang isa't-isa. Pero ang dami ng gulong umusbong dahil sa pagmamahalan nila. Di kaya bad vibes na yun? Paano na si Martin? Martir na Martin. E si Zandro nawala ng kasing bilis ng kanyang pagdating. Hmmm....sabay-sabay na lang nating hulaan ang ending. 

1 comment:

  1. Playgroup Singapore ganyan talaga, ang tao :) naghahanap lang ng mapagkwekwentuhan. its socialization hehe tama ba xD

    ReplyDelete