nuff

Sunday, September 29, 2013

Standing Ovation ba kamo?

Nabasa ko sa isang tabloid ang isang showbiz news tungkol sa isang dayuhang singer na nag concert dito sa Pilipinas. Tungkol ito George Benson (with Patti Austin as special guest) at kay G. Mike Enriquez ng 24 Oras at Imbestigador ng GMA 7. Ayon sa nasabing article, may nagsabi daw sa sumulat na si G. Mike Enriquez  ay hindi tumayo pagkatapos ng performance ni George Benson gayong ang lahat ay nagsitayuan at pumalakpak.

image from www.philstar.com

image from mrcheapjustice.wordpress.com

image from ph.news.yahoo.com

Sa tingin ko kapansin pansin nga sya kung hindi sya tatayo dahil isa syang kilalang tao. Idagdag pa dito na nakasanayan na ata ng mga Pilipinong manonood na tumayo kung ang karamihan ay tumayo. Pang standing ovation e halos marami ang nakikitayo dahil nakakahiya nga naman kung sila ay hindi tatayo. Sa iba ngang mga pagtatanghal e pina-practice pa ang standing ovation. Ayaw nyong manila? Subukan nyong mag-attend ng practice ng grraduation rites sa mga schools. Pina-practice ang pagtayo bago at pagkatapos magsalita ng guest speaker. Ito raw ay pagbibigay galang sa inimbitahan. Bilang ang mga guest speakers ay inimbitahan ng mga school officials ay dapat naman talagang bigyan sila ng ganitong respeto. Pero hindi naman ata ito required kung nanood ka ng concert o ano mang pagtatanghal.

Ang pagtayo para sa isang performer ay pagpapakita ng paghanga sa magandang performance. Ito ay base sa kung gaano kaganda at gaano mo na-appreciate ang pagtatanghal. So nangangahulugang subjective ito. Maaaring gandang ganda ang marami sa performance pero ako ay hindi naman lubusang humanga. So bakit ako magbibigay ng standing ovation kung hindi naman ako nabighani talaga sa palabas. Kung tatayo ka dahil lamang tumayo ang iba e hindi ba pagsisinungaling yun? Kung para sa respeto ang pagtayo, may wag na lang sanang tumayo kung hindi mo naman talaga nagustuhan ang performance kasi mas lalong kawalan yun ng respeto.

Sa tingin ko, ang pagbibigay ng standing ovation sa mga performances ay dapat iaayon sa kung gaano kaganda o kagaling ang napanood. Hindi ito dapat compulsory. Sa mga speeches okay yan kasi imbitadong guest yan na magbibigay ng inspirational talk. Pero sa mga paid performances, dapat lang ibigay ang standing ovation para sa mga awesome and outstanding performances.

Ang isa pang kapansin pansin sa sinabi sa article ay ang pagbibigay pansin sa pagiging foreigner ng performer. E ano naman ngayon kung foreigner? Kung kailangan ng standing ovation then ibigay yun ke foreigner pa yan o local.

Wala naman masama sa sinabi ng sumulat. Kung sa tingin nya ay mali si G. Mike Enriquez e nasasakanya na yun. Wag sya mag standing ovation para kay G. Enriquez. Pero nasakay G. Mike Enriquez naman yun kung nagandahan sya o hindi sa palabas.

Nabanggit din pala sa article na yun na nung nanood daw si PNOY ng concert ng Kalapana e may reserved seats daw para dito at sa kanyang mga kasama pero sa halip daw na sya ang umupo ay pinaupo doon and mga PSG nya. kapansin pansin daw ito. Wala namang masama kung PSG ang naupo doon. Siguro naman marunong din silang mag-appreciate ng good music. Hindi naman ata bawal yun. Maaring maupo si President Noy Aquino saan man nya nais maupo basta wag lang syang mang-aagaw ng upuan. At sa tingin ko mas okay na nga na sa lower box sya naupo at hindi sa harap dahil kahit papaano ay makakaagaw sya ng eksena sadyain man nya o hindi. Bilang Pangulo, siguradong marami ang maghahangad na makita sya -- garapalan man o pasimple.


1 comment:


  1. Playgroup Singapore si Pnoy, di naman mawawala ang problema. sana lang. di tatagal at may solution :)

    ReplyDelete