nuff

Monday, September 1, 2014

September 1 at Christmas sa Pilipinas

Simula na daw ng Pasko sa Pilipinas. September 1 na kasi. Katunayan, kahapon sa sinasakyan kong bus, nagpatugtog na sila ng Christmas songs. Ang napansin ko ay yung kanta  sa station ID dati ng ABS-CBN. Naku po! Hindi pa September kahapon Christmas songs na agad. Tsktsk. Wake me up when September ends na nga lang kasi at least pag October na mas malapit na haha.

Pero hindi lang yan ha. Alam nyo bang may isang opisina na nakita kong may Christmas decorations na. OO! MERON NA! Sigurado ako. Kasi sa opisina namin yun haha. nagulat na alang ako ng pagpasok ko kanina ay may Christmas tree na at may mga nakasabit pang kung anu-ano sa bintana at dingding. Masaya namang tingnan. Baka lang magsawa agad ang mga tao e pagdating ng Pasko e wala ng ganangbumili ng regalo haha.

Pero sa isang banda e maganda na rin. Para maaga ng simulan ang paghahanda ng Christmas bonus nyahaha. 

Pero seryoso. Wag sana natin kalimutan na ang dapat nating paghandaan ay hindi lamang ang bonus o regalo kung hindi ang tunay na dahilan ng Pasko. Yes, my  friends, mahalaga yan. At wag kayong matawa. Dapat sineseryoso natin ang kahulugan nito para sa atin. Tandaan natin an ang ating salvation story bilang mga Kristyano ay hindi maisasakatuparan kung hindi nagkaroon ng Pasko -- kung hindi isinilang si Kristo. 


1 comment:

  1. Playgroup Singapore pag ber months talga nag sisimula na yung mga kapitbahay namin mag pa tugtug ng christmas song :)

    ReplyDelete