nuff

Thursday, September 4, 2014

PUSO - GILAS

Bilang kagabi ay huling laban ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup 2014, napagdesisyonan naming magkakaopisina na kumain sa labas at manood ng laban. Sa pagitan ng masarap na pagkain ay ang mga malalakas na hiyawan sa bawat buslo ng basketball para sa Gilas. Talaga namang malalakas ang sigaw ng lahat lalo na noong 2nd Quarter. Pero pagdating sa ikatlo iba na ang tono ng hiyaw. Malakas pa rin pero magkakahalong takot, alinlangan at pag-aasam ang mararamdaman. Habang lumiliit ng lumiliit ang lamang ng Gilas sa Senegal, parami naman ng parami ang mga coaches sa paligid. Aba ang daming mga komentong ganito at ganyan na nagsasabi kung ano ba daw dapat ang gawin ni LA Tenorio o ni Jimmy Alapag. Meron pang nagsasabing gamitin ng mabuti siFajardo. Pero sa bawat komento lagi paring naririnig ang salitang puso. Puso ang sigaw bawat puntos ng Gilas. Puso rin ang isinisigaw pag nakakaagaw sila ng bola. Puso rin ang isinisigaw pag ang Senegal ang naka-score. At puso pa rin pag nakaagaw ang Senegal. Pati nga sa Twitter, Instagram at Facebool #puso rin ang tume-trending. Sabi tuloy ng isang kasama ko nung 3rd Quarter, parang pag-ibig lang ang Basketball. Hindi dapat puro puso. Utak din ang dapat gamitin. May puntos sya. Tres. haha Ayun, sa bandang huli e makalaglag puso ang nangyari. Nag-tie sa 64. Nag overtime ng 5 minutes. Sa overtime na yun naka 15 puntos ang Senegal. Ang taas. Hindi na sila nagpatumpik tumpik pa dahil siguro ayaw naman nilang matalo ng koponang walang ibang tinalo. Lalo pa nga na ang koponang ito ay naging paborito ng marami sa buong mundo dahil sa ipinakitang determinasyong manalo. Pero malaki man ang 15 points, mas malaki naman ang 17 ng nakuha ng Gilas. Mas malaki pa nga sana ang lamang kundi sa tres na pinakawalan ng Senegal nung huling dalawa o tatlong segundo kasi hindi na naman sila binantayan kasi nga panalo na. Pero wala naman na tayong pakialam kung 2 o 3 o 23 pa ang lamang. Panalo na e. Kahit wala ng bearing sa kalalabasan ng koponan sa torneyo, malaki naman ang bearing sa pride nating mga Filipino.At syempre pa, history nga sabi nila. Unang panalo matapos ang 36 years. Saya di ba. Sigaw ko pagtunog ng buzzer sa huli, "bonfire na yan". Dahil sa labang ito, sigurado ako alam nyo na ang dahilan bakit ang UP nagpa-bonfire dahil sa isang panalo. pero sa ibang usapan na yan. Go Gilas! #puso #laban

1 comment:

  1. Playgroup Singapore goodluck nalang ulit sa susunod gilas :) pride of the philippines!

    ReplyDelete