nuff

Monday, September 1, 2014

Ang Taxi at ang Traffic sa Kamaynilaan

May isang taxi na gumagarahe sa may inuuwian ko ang halos araw-araw kong nasasakyan tuwing umaga papasok sa opisina. Actually hindi naman araw-araw. Siguro mga 2 hanggang 3 beses kada lingo. Dapat nga sana 4 times a week (coding pag lunes) kaso may isa pa syang maituturing ding regular passenger nya. Kung sino mauna sa amin yun ang naisasakay nya.

Yung isang pasahero na yun e tisoy. Foreigner malamang pero matagal na ring nakatira sa Pilipinas. At isa syang artista. Di sikat. Character actor kung baga. Nakikita sya sa mga teleserye sa iba't ibang channel na may maliit na role bilang tatay ni ganito o atorni ni ganyan. Pero ang regular nyang trabaho e sa channel 4 sa Visayas Avenue. Dun sya inihahatid araw-araw ni kuya.

Maganda siguro kung sya ang maisasakay kasi unag pasahero e malaki agad ang bayad. Pero kaninang umaga sabi sa akin ni kuya, mahirap din daw ihatid si Kana (tawag nya).kasi daw ma-traffic pagbalik galing Quezon City. Ang haba daw ng oras ng byahe nya pabalik kasikasabayan nya ang mga papasok sa Makati. Mas gusto raw kasi nya dito sa Makati area magbyahe kesa dun sa QC.

Napaisip ako sa sinabi nya. Iba na talaga ang kalagayan ng traffic ngayon dito sa Metro Manila. Parang kahit saan ka pumunta e may masikip na daloy ng trapiko ka na madadaanan. Kahityung mgamaliliit na kalye e napupuno na rin dahil lahat nga e gustong umiwas.

Factor kaya na marami ng sasakyan sa Pilipinas? Kasi naman marami na rin ang nakakabili ng sarili nilang sasakyan. Padagdag ng padagdag ang mga bumubyahe pero parang wala naman masyadong nababawas. Paano ba naman kasi hanggang ngayon e marami pa ring mga lumang sasakyan na bumibyahe pa rin kahit na sobrang luma na na mukhang sinakyan pa ni Rizal o ni Lapu-lapu. Hanggat tumatakbo pa kahit kasing bagal ng pagong ay go pa rin sa byahe ang mga sasakyang ito.

Bukod dyan, parami pa ng parami ang mga tao dito sa Manila. Aba e nung 2010 sabi sa census ay mahigit 11 Milyong tao ang nasa NCR. Ano ba yan? Mahigit sa 10 % ng population ng Pilipinas ay nasa Maynila. Talaga namang magsisikip.

Abangan na lang natin kung gaano pa magsisikip ang daloy ng trapiko sa mga susunod na buwan at taon lalo pa'taraw-araw ay may bagong construction na sinisimulan na napakatagalmatapos. Dagdag pa ang mga hinuhukay ng mga naglalagay ng tubo o kable sa daan. Hay! Ewan! Tama na nga ito at makapagsimula ng maglakad! 

1 comment:


  1. Playgroup Singapore lagi nalang traffic, sana bumalik yung dati, yung di pa ganun kalala yung pollution.

    ReplyDelete