nuff

Monday, September 1, 2014

Not a Barber's Tale

Ang mahal magpagupit ng buhok dito sa Maynila. Sa isang barberyang pinagpapagupitan ko, P 80 ang gupit. Dahil sa maayos naman mag-gupit ng buhok ang mga barbero doon, nagbibigay ako ng tip. Pag talagang natuwa ako, plus P 20. Pag medyo lang, plus P 10. Ibig sabihin P 90 to P 100 ang pagpapagupit ko ng buhok. Ang siste e dalawang beses sa isang buwan ako kung magpaputol ng buhok. So P 180 to P 200 yun monthly.

Kapag may importanteng okasyon o kung minsan kapag masama ang loob ko, gumagastos pa ako ng mas malaki. Umaarte kasi kumbaga. Pumupunta ako sa Jessy Mendez sa Cash and Carry upang magpagupit. P 350 ang gupit plus P 100 sa nag-gupit at P 50 sa nag-shampooso P 500. Pero eto hindi reklamo kasi ka-artehan ko naman kung maituturing. Pero mahal di ba? Haha

Bakit ko ba sinasabi ito? Kasi naman, nagpagupit ako nung isang lingo sa probinsya namin. At P 50 lang gupit.Plus tip na P 10 so P 60. Ang layo ng presyo di ba? Aircon din naman sa barberya.

Kayo, saan kayo nag papagupit?

1 comment: