nuff

Monday, September 8, 2014

Best Dressed at Ewan sa 8th Star Magic Ball

Natapos na naman ang 8th Star Magic Ball ng mga Kapamilya actors and actresses. Natapos na naman ito ng hindi ako naka-attend haha. Pero base sa mga larawan, maraming mga artista ang talaga namang dumating na super magaganda at effort na effort talaga. Parang marami na rin ang natutuo para makaiwas maging katatawanan sa mga blogs. Kasi naman kung minsa kung anu-ano ang pinagsususuot  ng mga ito na hindi man lang naisip na katawa-tawa sila. Sabagay, hindi rin naman kasi pwedeng play safe ka lang lagi. Kasi kung gusto mong maging  Star of the Night e kailangang kakaiba ka. Yun nga lang sabi nga nila there is a thin line between being the Star of the Night and the number 1 fashion  victim. Talagang kailangan mong mag-risk para mapansin.

Sa nakaraang 8th Star Magic Ball, tulad ng marami ay mayroon din  akong Best Dressed at Worst Dressed list. Base lang naman ito sa mga pictures na nakita ko so hindi ko rin alam kung maganda lang ba sa larawan o ganun talaga sa totoo. Syempre di ko rin naman nakita lahat. Subukan natin kung mag-a-agree kayo.

Tulad ng marami sa mga nagdudunung-dunungang tulad kosa fashion e isa si Kim Chiu sa mga Best Dressed. Sya ang number 1 sa akin. Hindi ko lang maiwasang isipin na ito'y may bahagyang pagkakahawig sa suot noong isang taon ni Maja Salvador na mas nakararami nga lang ang itim kesa flesh color. Hindi rin nalalayo ang likod ng kanilang gown. Hmmmm

Ang larawang ito ay pagmamay-aring www.pep.ph
Pangalawa para sa akin ang maybahay ni Sen. Angara na si Tootsy Angara. Unang tingin ko pa lang e masasabi  ko na kabog ang ibang mga  artista sa kanya. Eleganteng elegante. Walang bahid ng pagka-OA ang dating.
Tootsy Angara (3rd from right). Ang larawang ito ay mula sa facebook page ng pep.ph

Number 3 naman sina Gretchen Barretto at Dawn Zulueta para sa akin. Ang kanilang hitsura noong gabing yoon ay patunay lang na sa ibang bagay, age doesn't matter. Hindi lang sila maganda dahil sa hitsura ng kanilang mukha pero ganoon din sa kanilang pagpiling kasuotang babagay sa kanila at kaya nilang dalhin.
Ang larawang ito ay galing sa www.pep.ph
Ang larawang ito ay galing sa www.sunstar.com.ph

Ika-apat naman si Julia  Barretto na napakaganda sa kanyang beaded gown. Bagay ang damit sa kanyang edad. Hindi pilit na maging dalaga pero hindi  rin naman nagta-trying hard na maging bata. Bagay pa sa kanya ang kulay.
Ang larawang ito ay mula sa www.rappler.com

Ika-lima si Jessy Mendiola na binagayan ng kanyang itim na ballgown. lumitaw ang kanyang ka-seksihan ng hindi kailangang maging malaswa. Dagdag na rin siguro ang maganda nyang ayos ng buhok.
Ang larawang ito ay mula sa push.abs-cbn.com

Number 6 naman sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.Talagang makikita mo ang malaking pagkakaiba ng dalawa. Si Kathryn ay batang bata sa kanyang suot pero ma pinamature ng kanyang make-up samantalang si Julia naman at sexy at dalagang dalaga ang dating.
Ang larawang ito ay mula sa adobotalkph.com

Ang larawang ito ay mula sa twadl.com
 Number 7 si Maricar Reyes Poon. Bagay sa kanya ang kanyang simpleng simpleng gown na may vintage look.
Ang larawang ito ay mula sa iamjammed.com


Ika-walo naman sa tingin ko si Liza Soberano. Elegante rin syang tingnan. Bagay din ang ayos ng buhok.
Ang larawang ito aymula sa pinoyexpatforum.com

Number 9 naman si Georgina Wilson. Sa tingin ko, iilan lamang sa ating mga artista ang makakayang magsuot at magbigay ng justice sa damit na ito at isa na doon si Georgina Wilson.
Ang larawang ito ay mula sa www.rappler.com

Pang sampu si Jodi Sta. Maria. Kakaiba sya sa karamihan kaya naman pansin na pansin sya. Ang ganda lang din ng dating ng damit nya na binagayan pa ng ayos ng buhok. Medyo parang hindi nga lang ganoon kagandahan ang fit ng kanyang pantalon o baka naman sa picture lang na nakita ko.
Ang larawang ito ay mula sa www.rappler.com
Worth mentioning din si Shaina Magdayao at Kim Jones.

Kung may Best Dressed sa 8th Star Magic Ball, meron ding mga Ewan. Ayaw kong tawaging Worst Dressed at baka ma-bash haha. Pero ito naman ay sa aking tingin lamang at base lang sa mga larawan na maaaring hindi lang maganda ang kuha o hindi malinaw ang camera. Kung sa tingin nyo po ay maganda rin sila e di kayo po ang bahala.

Ang pinka ewan sa akin ay ang kay Heart Evangelista. Kadalasan ay nagagandahan ako sa mga gawa ni Francis Libiran. Hndi  ko lang din siguro nagustuhan ang ibabang bahagi ng kanyang gown. Tsaka naaalala ko ang capiz shells pagtinitingnan ko ang damit nya.

Ewan din ang masasabi  ko sa damit ni Alex Gonzaga. Parang naaalala ko lang ang Dyesebel at Kambal Sirena. Pero may nagsabi na maganda daw ang dating habang naglalakad si  Alex.

Ewan din ngayong taon si Maja Salvador. Alam ko namang maluwag  talaga ang dating ng damit na ito. Yun ata ang gustong mangyari ng pagkadisenyo. Peropaang nasobrahan na hindi na sya mukhang style kundi ill-fitting lang talaga.

Ewan ko rin ba naman kung anong plano ni janella Salvador sa kanyang gown. Siguro kung yung tela ng itaas na bahagi hanggang sa kalahating hita ay itinuloy na lamang hanggang ibaba kesa nilagyan ng see through na part e baka mapasama pa sya sa Best Dressed. O sige kung gusto talaga ng may kitang parte e sana naman tama ang haba ng damit. Ewan kung anong hitsura ng laylayan na yan.

Isama na rin sa ewan si Iza Calzado. Don't get me wrong, ang ganda ganda ng mukha nya. Hindi ko lang rin gusto yung mga puting lace na nakatahi  sa gown nya. Kung wala yung mga puting yun, isa sya sa mga magandang maganda siguro.

Ewan din sa bigat ang damit ni Maegan Young. Ewan kung anong pwedeng tanggalin para mas gumangaan ang dating. Yung kayang nasa braso nya? Or bawasan yung nasa leeg hanggang dibdib? Sa tingin nyo? Ewan ko.

At ewan din si Bangs Garcia. Wag naman pong magagalit ang mga santo pero parang inagawan po kayo ng suot. Hindi ko posinasabing pangit ang damit ng mga santo. Pero hindi lang po siguro nararapat para sa isang ball lalo na sa 8th Star Magic Ball.




1 comment: