nuff

Monday, September 1, 2014

DLTB at and Discounted Rate

Ang tagal na pala simula ng huli akong nag-post sa blog na ito. Sampung buwan na pala since then. Anyway, ngayon ay gusto kong magsulat tungkol sa aking pagba-byahe sa bus na aking naging paborito na, and DLTB na bumabyahe mula LRT Taft papuntang Lucena City.

Naging suki ako ng DLTB dahil bukod sa maingat ang mga drivers sa aking pananw, ay mayroon silang discount na 20% para sa mga regular passengers na katulad ko. Kung ang pamasahe mula LRT Taft papuntang SM City Lucena ay P 210, ito'y nagiging P 168 na lamang. Malaki ang natitipid na P 42. Hindi basta-basta napupulot ang halagang ito. Ilang taon ko rin namang napakinabangan ang discount nila. Ngunit  sa kasamaang palad, ilang buwan na ang nakakalipas, bigla nilang inalis ang discount na ito. Narinig ko na lamang sa kunduktor na wala na itong binibigay na discount. Tinaggap naman itong tao ng maluwagkasi wala naman kaming magagawa at tsaka discount naman ito na freely nilang binigay at di naman nila obligation. Ang obligasyon lang naman nila ay  magbigay ng discount sa mga senior citizens at students.

Perominsang naging napakahaba ng pila sa kanilang terminal at kinailangan kong magmadali kaya sumakay ako sa ibang bus. Doon ko nakita ang post na mula sa (date na di  ko  na maalala), lahat ng bus ay dapat ng maningil ng tamang presyo. Nakalagay dun ang tamang rate per kilometer. pero sinabi nila ng hindi na pwede yung lower rate na nung ki-nompute ko sa utak ko eh ang discounted rate na ibinibigay ng DLTB. Hmmmm.....may kahulugan para sa akin. Baka sila ang nag-akyat ng reklamo sa mga kinauukulan (LTFRB?) kaya naging mahigpit sila. Siguro e nabawasan ang kanilang passengers dahil sa discount ng DLTB.

Para sa akin, sayang ito dahil malaki ang tulong nito sa mga pasahero lalo na sa mga tulad kong umuuwi every week. Lalo na siguro sa mga araw-araw bumibyahe. Sa aking palagay, karapatan naman ng mga kumpanya ang magbigay ng sarili nilang discount. Pero siguro nga may mga batasna dapat sundin tulad ng pagkakaroon ng even playing field. Kung batas nga iyon na dapat ay parepareho ay baka nga dapat syang masunod. Pero isipin din natin, kung nakakayananyun ng DLTB ang mababang presyo e baka yung presyo na yun naman talaga ang makatarungan. Hindi  kaya  yun lang talaga ang tamang presyo na kikita sila at makabubuti rin sa pasahero? Hindi naman siguro palugi kasi bakit nagwa ng DLTB sa loob ng maraming buwan o taon. Naisip ko lang. Hindi kaya dapat yung iba ang nagbaba ng presyo? Ito ay tanong lamang naman.

1 comment: