First time ko manoon ng live ng laban ni Manny Pacquiao sa pay per view. Dati kasi sa local television channel ko lang napapanood. Kadalasan, alam ko na ang resulta bago ko pa man mapanood. First time ko din manood sa isang venue na maraming tao. May nagbigay kasi ng free ticket para sa Pacquiao-Rios fight sa Palladium Bar, New World Hotel kaya ako nakapanood. May buffet breakfast/lunch and unlimited drinks - brewed coffee, juices and soda - habang pinapanood si Pacquiao.
Nakakanerbyos ang laban. Nakakatakot ang mga pwedeng mangyari. make or break for Manny Pacquiao e. Kung natalo sya wala na siguro ang career nya bilang boxer. Nung unang mga round mas nakakanerbyos kasi di mo alam mangyayari. Pero ginawa nyang punching bag si Rios e kaya kahit papaano makakahinga ka rin ng maluwag. Mas nakakataas ng confidence habang nakikita si Manny throwing punches like there was no tomorrow. Nung mga kalahati na, roung 7 - 8 okay na, kamapante ng kung judges decision ang basis kasi all round went to Pacquiao talaga. Pero hindi pa rin nawala ang kaba ko kasi baka maisahan na naman sya. One big punch at the last minute at the last round could break him, sabi nga nung nakaupo sa katabi naming table. Overall, masaya kasi Manny dominated the entire game, he outclassed Rios. Sabi rin yan ng katabi namin. Pero for me, nerve wracking experience sya. parang okay na nga sana may commercial breaks like sa local channels kasi at least may time para huminga. Kaso naman sa GMA o sa ABSCBN pag nag commercial walang humpay naman. pagpinagdugtong dugtong ang commercials mas mahaba pa sa laban -- main event and under cards combined.
Paano na kaya pag ang dalawang laban nya sa 2014 tulad ng sinabi ni Bob Arum ay sina Juan Manuel Marquez and Thomas Bradley? Baka hindi na ako makalabas ng buhay sa venue. Teka, bat ko ba iniisip agad yun eh kung wala namang magbibigay ng free ticket eh malamang sa local channels na naman ako manood o kaya maghintay ng results ng laban sa twitter, instagram at facebook.
Playgroup Singapore sayang di napatumba ni pacman si rios. matibay din tong si rios. dinaan sa wieght kaya di mapatumba. pero wala parin syang binatbat kay manny. :)
ReplyDelete