nuff

Wednesday, October 16, 2013

Karatulang Nakakatuwa - This Door Are Close

Sa tinagal  tagal ko na sa Maynila, marami na rin akong napasukang mga tindahan, kainan at kung anu-ano pang establisimento. Ibat-ibang karatula na ang aking nabasa sa pagpasok ko sa mga ito. Pero may isang karatulang nagbigay sa akin ng kasiyahang wagas. Mahirap ipaliwanang kung hindi nyo makikita kaya et, tingnan nyo muna ang larawan bago ko ito ipaliwanag.


Siguro naman natawa rin kayo di ba?

Nakita ko ito limang taon na ang nakararaansa isang tindahan ng cake dyan sa may Jupiter malapit sa kanto ng Makati Avenue. Sa gilid ito ng mgakainan at convenience store sa isang malaking gasolinahan. To be exact, nakita ko ito June 24, 2008. Kung nabubuhay pa ang nanay ko kaarawan nya ang araw na yun. At kung nabubuhay sya, maaaring matawa rin sya dito.

Pero sa kabila ng pagtawang aking ginawa, may bahid pa rin ako ng pagkalungkot. Isipin mo kasi, isa itong kilalang tindahan. May pangalan kung maituturing. At bilang may pangalan, iisipin mong ang kanilang mga store supervisors or branch managers ay dumaan din naman sa matinding pagsusuri. Malamang ay nakapag-aral sila at nakapagtapos ng kursong hindi bababa sa apat na taon. Siguro naman, hindi man nanggaling sa napakagagaling na paaralan ng kanilang mga bisor e alam nila kung ano ang mali sa karatulang iyon.

Ang hirap isipin na hindi man lamang nila ito na-check. At mahirap isipin na walang nakakapansin isa man sa kanila dito sa araw-araw nilang pagtatrabaho.

This door - this ay tumutukoy sa isang bagay lamang at dahil door at hindi doors ay talagang patunoy iisa lamang ang tinutukoy. Pero ito aysinundan ng are na ginagamit sa pangmaramihan --  higit sa isa o dalwa pataas. Close - hindi kaya malapit sa isa't-isa ang ibig sabihin nito? Used the main door. Sino ang gumamit? Kailang ginamit ang main door. 

Ayaw ko naman magmukhang nagmamagaling at nagmamayabang.  Ako man ay nagkakamali rin sa grammar. Pero ilang mali naman ito sa iisang pangungusap. Kung yung are lamang ang mali, sige na nga, baka nalito lang. Pero close at used kasama? Nakakalungkot naman.

Pero sige na nga, intindihin na lang. Eto ngang post na ito na nasa sa salitang tagalog e may mga mali, yun pa kayang post na nasa salitang banyaga.

Hanggang dito na lang. This post are close waited for  the next post tomorrow....

1 comment:

  1. Playgroup Singapore siguro nga :D pero ang malungkot. pag pati sariling grammar sa Filipino ay mali mali pa

    ReplyDelete