First time ko manoon ng live ng laban ni Manny Pacquiao sa pay per view. Dati kasi sa local television channel ko lang napapanood. Kadalasan, alam ko na ang resulta bago ko pa man mapanood. First time ko din manood sa isang venue na maraming tao. May nagbigay kasi ng free ticket para sa Pacquiao-Rios fight sa Palladium Bar, New World Hotel kaya ako nakapanood. May buffet breakfast/lunch and unlimited drinks - brewed coffee, juices and soda - habang pinapanood si Pacquiao.
Nakakanerbyos ang laban. Nakakatakot ang mga pwedeng mangyari. make or break for Manny Pacquiao e. Kung natalo sya wala na siguro ang career nya bilang boxer. Nung unang mga round mas nakakanerbyos kasi di mo alam mangyayari. Pero ginawa nyang punching bag si Rios e kaya kahit papaano makakahinga ka rin ng maluwag. Mas nakakataas ng confidence habang nakikita si Manny throwing punches like there was no tomorrow. Nung mga kalahati na, roung 7 - 8 okay na, kamapante ng kung judges decision ang basis kasi all round went to Pacquiao talaga. Pero hindi pa rin nawala ang kaba ko kasi baka maisahan na naman sya. One big punch at the last minute at the last round could break him, sabi nga nung nakaupo sa katabi naming table. Overall, masaya kasi Manny dominated the entire game, he outclassed Rios. Sabi rin yan ng katabi namin. Pero for me, nerve wracking experience sya. parang okay na nga sana may commercial breaks like sa local channels kasi at least may time para huminga. Kaso naman sa GMA o sa ABSCBN pag nag commercial walang humpay naman. pagpinagdugtong dugtong ang commercials mas mahaba pa sa laban -- main event and under cards combined.
Paano na kaya pag ang dalawang laban nya sa 2014 tulad ng sinabi ni Bob Arum ay sina Juan Manuel Marquez and Thomas Bradley? Baka hindi na ako makalabas ng buhay sa venue. Teka, bat ko ba iniisip agad yun eh kung wala namang magbibigay ng free ticket eh malamang sa local channels na naman ako manood o kaya maghintay ng results ng laban sa twitter, instagram at facebook.
nuff
Sunday, November 24, 2013
Tuesday, November 12, 2013
Si Yolanda, Mga Bikitima at Mga Artista
Nakapanlulumo ang mga balitang nakikita natin sa telebisyon at nababasa sa internet at dyaryo sanhi ng super typhoon Yolanda. Hindi ba namang hindi malulungkot sa mga larawan ng pagkasira ng kagamitan, bahay at buhay ng ating mga kababayan. At sino ba naman ang hindi maaantig ang puso ng mga larawan ng mga batang nasalanta ng walang kalabanlaban.Talagang masakit isipin na sinapit ito ng ating mga kababayan.
Kaliwa't kanang mga bahay ang nawasak dahil sa storm surge. Walang bubong ang pinalipad ng nagngangalit na hangin ni Yolanda. Pati mga simbahan ay hindi sinanto ng mapinsalang delubyong ito. Dahil dito nagkaroon ng kakulangan ng matitirhan. Paano ba namang hindi e maging ang mga dapat san'y maaaring gawing evacuation centers ay nawasak din. Wala na ring makain ang ating mga kababayan. Walang tindahang nagnais magbukas at magtinda -- yaan ay kung buo pa ang tindahan nila. Wala ring makuhaan ng malinis na inumin. E pati nga gamot wala dahil pati mga ospital ay walang awang sinaktan ni Yolanda.
Dahil sa mga pinsalang ito, marami sa ating mga kababayan ang napilitang kumuha ng mga bagay na hindi kanila. Marami ngang looting na nangyari. Maraming mga tindahan ng pagkain ang sinalakay ng mga tao na sing bilis ng pagdagsa ng hangin at tubig. Siguro naisip nila na kung babagal-bagal ka ay magugutom ka sampu ng iyong mga pamilya. Hindi naman sa binibigyan ng excuse ang mga looters pero survival ang pinag-uusapan. Walang tulong na agad dumating dahil wasak din ang mga dadaanan. pati mga airport ay hindi rin magamit nung mga unang araw. Pero syempre nakakalungkot na makita yung iba na pati mga telebisyon at dvd players ay ninanakaw. Aanhin mo ang tv? Hindi naman nito mabubusog ang pamilya mong nagugutom. Aanhin mo ang mgabote ng pabangong ninakaw? Hindi naman nito mapapawi ang uhaw ng iyong asawa o anak. Aanhin mo ang DVD players? Magagawa mo ba itong bubong na masisilungan? Mahirap tanggapin. Pero sa isang banda ang hirap ding itanggi na hindi na normal ang takbo ng pag-iisip ng isang taong nagigipit. Marahil ay wala na silang ibang maisip na paraan upang mabuhay. Sana hindi nila gawin pero wag na lang siguro natin silang husgahan ng sing tindi ng hagupit ni Yolanda. Hindi natin alam kung ano ang nasaisip nila.
Malaking pampalubag ng loob na rin siguro ang mga nagsusulputang kwento ng kabayanihan. Sa kabila ng pansariling pangangailangan, may mga kababayan pa rin tayong inisip pa rin ang kapakanan ng iba higit sa kanilang sarili. Maganda ring pakinggan kung paanong pinahahalagahan ng ilang kilalang tao sa ating bansa ang mga nasalanta ni Yolanda. Maraming celebrities at showbiz personalities na nagkusang magbigay ng tulong. Sabi sa balita si Sharon Cuneta ay nag donate ng P 10,000,000. Si Kris Aquino rin ay nagbigay ng malaking halaga bukod pa sa kanyang effort sa paghihikayat sa ating mga kababayan na magbigay ng tulong. Si Regine Velasquez ay nag simula ng auction para sa kanyang mamahaling gamit pati ang kanyang necklace at ring na may sentimental value sa kanya. Si Ogie Alcasid ay nagbigay rin ng kanyang mamahaling relo tulad ng Bvlgari. Si Dingdong at Marian Rivera ay may fun run para makakolekta ng pera para sa tulong sa Visayas. Si Angel Locsin ay magpapa- auction ng kanyang Chevrolet Chevelle. Noong una pa nga ay gusto nya anonymous pero meron ba namang naiiwang anonymous sa showbiz? Si Anne Curtis din at ang kanyang boyfriend na si Erwann Heussaff ay nag pa auction din ng kanilang mga damit.
Pati mga foreign celebrities ay nagpahayg din ng kanilang tulong. Syempre pa si Pope Francis ay magbigay din ng kanyang mensahe at panalangin.
Sana lang ay maabot na ng mga rescuers ang mga biktima ng super typhoon Yolanda para matulungan na ang dapat tulungan at maiwasan na ang kaguluhan.

Wednesday, November 6, 2013
Undas - Mga Kapansin-pansing Eksena sa Sementeryo
Noong nakaraang Undas, November 1, naglakad ako hindi sa Maynila kundi sa ementeryo sa aming probinsya. Masayang maglakad sa sementeryo lalo kung ang pakay mo ay makita ang maraming uri ng mga taong may kanya-kanyang kaugalian.
Isa sa mga bumungad sa akin sa sementeryo ay ang isang pink coffin na pag-aari ng isang kumpanyang may kinalaman sa libing ang negosyo. Itong pink coffin na ito ay nakatayo at walang salamin. Ang pakay nya ay para makapagpa-picture ang mga tao sa loob at magka-idea sila kung ano ang magiging itsura nila sa loob ng kabaong kung sakaling sila ay patay na. Since uso naman ang selfie, pwede nilang gawin. Ang napansin ko, maraming mga kababayan namin ang tumitingin at nagtatawanan pag nadadaan sa lugar na yon pero hanggang tawanan lang naman sila. Sa ilang ulit kong pagdaan doon ay wala akong nakita ni isa mang nagpapicture o nag selfie. Marahil ay natatakot pa sila sa idea na makita ang sarili nila sa loob ng kabaong. Kahit ang mga pinsan ko na taga Maynila ay hindi rin naglakas loob na magpapicture.
Isang kapansin pansin ring bagay noong Undas ay ang pagbabaon ng mga pamilya ng maraming pagkain sa sementeryo. Nagbibitbit ang bawat isa ng mga basket o bag na naglalaman ng mga kasekaserolang ulam at kanin kahit pa malayo ang lalakarin bilang bawal nga ang mga sasakyan sa loob ng sementeryo. Naging tradisyon na rin kasi ang mag salu-salo tuwing Undas.
Isang agaw pansin ay ang mga kabataang walang ginawa kundi mag tomb hopping. Lipat ng lipat kung saan saang nitso kung san andon ang kanilang mga kaibigan. Maya't-maya mag yayayaan kung may bagong kaibigang dumating. Di mabitaw-bitawan ang mga cellphone para updated kung sino ang kadarating lang.
Syempre andyan na rin ang fashion show. Tama, fashion show sa sementeryo. Kasi syempre kailangan mong magbihis ng maganda kasi maraming makakakita sa yo. Ayaw mo namang mapag chismisang baduy ng mga nag-uumpukang tao sa kani-kanilang nitsong dinadalaw di ba?
Nakakatuwa rin na na-invade na ng mga fast food chains na nag dedeliver ang okasyong ito. Aba, may mga stalls na ng fast food sa labas kung saan maaari kang bumili kung available ang pagkain na gusto mo o pwede kang mag-order na itatawag na lang ng crew sa main store at dadalhin naman nila kung nasaan kayo.
Hmmm....marami ring mga negosyanteng naglipana. May nagtitinda ng ice cream,scramble, mani, balot, chicharon at kung anu-ano pa. Ano kaya ang magandang manegosyo sa susunod na taon? Cellphone charging station kaya?
Tuesday, October 22, 2013
Korean Noodles at Pagkakaibigan
Habang naglalakad ako at nag-iikot-ikot sa isang supermarket, nakita ang mga instant noodles na talaga namang kaakit akit. Habang dumaraan ako, pilit kong iniiwasang tumingin pero parang tinatawag talaga ako ng mga instant noodles kaya't di ko napigilang tumigil at lumapit.
Isa-isa kong nilapitan ang mga nagsisitawag na instant noodles at tiningnan silang wari'y aking mga kakilala. Dinaaan ko syempre ang mga instant chicken mami at instant beef mami. Andun din ang mga pansit canton. Aba, at may instant spaghetti at carbonara pa. Pero ang nakapukaw talaga ng aking pansin ay ang mga Korean noodles. Parehong pareho rin sa totoong kalakaran ng mga tao. Gaya ng pagkakaroon ng maraming Koreano e naglipana na rin ang mga Korean noodles.
Naagaw ang aking attention ng mga Korean noodles na ito dahil bigla kong naalala ang spicy Korean noodles na ipinagmamalaki sa akin ng isang kaibigan. Talagang ibinibida nya ito sa akin ng walang humpay. Animo'y kakaibang pagkain ito kung kanyang ipagmalaki.
Hindi ko pa iyon natitikman kahit matagal ko ng naririnig na masarap daw. Hindi kasi ako madalas magawi sa linya ng mga imported noodles. Masaya na ako sa mga local brands. At isa pa, sa aking pagkakatanda, ipinangako sa akin ng aking kaibigan na ipatitikim nya ito sa akin. Nagkabati na ata ang North at South Korea at hindi na natuloy ang Korean War eh hindi ko pa rin natitikman ang nasabing Korean noodles.
Kaya naman ng makita ko ito ay akin ng binili. Baka kasi kung hihintayin ko pang ipatikim ito sa akin gaya ng sinabi eh mag-asawa na si Bimbi Yap at Ryza mae Dizon ay hindi ko pa rin natitikman. Mas malala pa eh baka magkalaban na ang anak ni Jeric Teng at Jeron Teng sa UAAP eh hindi pa rin nya naaalala ang pangako.
Ang pinili ko ay ang Spicy variant at hindi ang Hot & Spicy. Kasi naman, sa litrato sa balat ng noodles eh mukhang uusok talaga ang tenga ko sa Hot & Spicy na yun.
Pero may sinabi rin namang tama ang aking kaibigan. Masarap naman talaga. Pero sobrang anghang. Ang init sa tenga at lalamunan. Paano na lang kung yung Hot & Spicy ang aking pinili.
Tulad ng noodles, Korean man o local, may iba't ibang level din ang pagkakaibigan. Merong umaabot sa puntong maaanghang ang pagkakaibigan. Matindi ang samahan at nanunuot sa kaibuturan ng puso. Pero meron ding samahang tinatabangan. Nawawala ang anghang o naluluma sa paglipas ng panahon. O baka naman sa simula pa lang ay wala ng anghang kayat hindi rin nagtagal. Hmmmm.....makakain na nga lang.

Wednesday, October 16, 2013
Karatulang Nakakatuwa - This Door Are Close
Sa tinagal tagal ko na sa Maynila, marami na rin akong napasukang mga tindahan, kainan at kung anu-ano pang establisimento. Ibat-ibang karatula na ang aking nabasa sa pagpasok ko sa mga ito. Pero may isang karatulang nagbigay sa akin ng kasiyahang wagas. Mahirap ipaliwanang kung hindi nyo makikita kaya et, tingnan nyo muna ang larawan bago ko ito ipaliwanag.
Siguro naman natawa rin kayo di ba?
Nakita ko ito limang taon na ang nakararaansa isang tindahan ng cake dyan sa may Jupiter malapit sa kanto ng Makati Avenue. Sa gilid ito ng mgakainan at convenience store sa isang malaking gasolinahan. To be exact, nakita ko ito June 24, 2008. Kung nabubuhay pa ang nanay ko kaarawan nya ang araw na yun. At kung nabubuhay sya, maaaring matawa rin sya dito.
Pero sa kabila ng pagtawang aking ginawa, may bahid pa rin ako ng pagkalungkot. Isipin mo kasi, isa itong kilalang tindahan. May pangalan kung maituturing. At bilang may pangalan, iisipin mong ang kanilang mga store supervisors or branch managers ay dumaan din naman sa matinding pagsusuri. Malamang ay nakapag-aral sila at nakapagtapos ng kursong hindi bababa sa apat na taon. Siguro naman, hindi man nanggaling sa napakagagaling na paaralan ng kanilang mga bisor e alam nila kung ano ang mali sa karatulang iyon.
Ang hirap isipin na hindi man lamang nila ito na-check. At mahirap isipin na walang nakakapansin isa man sa kanila dito sa araw-araw nilang pagtatrabaho.
This door - this ay tumutukoy sa isang bagay lamang at dahil door at hindi doors ay talagang patunoy iisa lamang ang tinutukoy. Pero ito aysinundan ng are na ginagamit sa pangmaramihan -- higit sa isa o dalwa pataas. Close - hindi kaya malapit sa isa't-isa ang ibig sabihin nito? Used the main door. Sino ang gumamit? Kailang ginamit ang main door.
Ayaw ko naman magmukhang nagmamagaling at nagmamayabang. Ako man ay nagkakamali rin sa grammar. Pero ilang mali naman ito sa iisang pangungusap. Kung yung are lamang ang mali, sige na nga, baka nalito lang. Pero close at used kasama? Nakakalungkot naman.
Pero sige na nga, intindihin na lang. Eto ngang post na ito na nasa sa salitang tagalog e may mga mali, yun pa kayang post na nasa salitang banyaga.
Hanggang dito na lang. This post are close waited for the next post tomorrow....

Tuesday, October 1, 2013
Mr. Scott, a taxi, a thief, aleng mabait, Devina DeDiva and more thieves
Kagabi, habang bumibili ako ng sabon sa tindahan malapit sa bahay, isang foreigner ang lumapit sa isang aleng malapit sa akin. Ang ale ay naglalagay ng cover sa kotse nya. Naririnig ko ang tinig ng ale pero hindi ko marinig ang sa foreigner. Ang ilan sa mga sinabi ng ale ay, Valle Verde, Pasig, taxi at MOA.
Pinaupo ng ale ang foreigner sa upuan sa labas ng tindahan na aking binibilhan habang inutusan nya ang kanyang tauhan (apparently, may-ari sya ng laundry shop katabi ng tindahan) upang kumuha ng papel at ballpen. Sinabihan nya ang foreigner na gagawa sya ng sketch. Sa mga sumunod na usapan nila ko nabatid na ang foreigner ay sumakay ng taxi mula sa MOA papuntang Valle Verde. Inilagay daw nya ang bag nya sa trunk ng taxi at tinakbuhan ata sya. Nadukutan pa ang pobreng mamang maputi.
Foreigner: This is the first time this happened to me in a taxi. I've learned my lesson. I'll never put my bag in the trunk. This is embarrassing. (kaya siguro bumulong lang sya halos.)
Aleng mabait: I'll make the sketch for you.
Ang ale pagkasabing gagawa sya ng sketch ay tumingin sa akin waring nagtatanong kung paano nga ba pumunta sa Valle Verde. Hindi ko rin alam. Sabi ko na lang taxi tapos dadaan sa EDSA at kakanan sa may Ortigas Ave sa may Robinson's Mall. Sabi ng Ale ah pwede nga daw.
Aleng mabait: What's your name sir?
Foreigner: Scott #@$^&@ (Di ko na lang ilalagay kasi baka ayaw nya malaman -- as if maraming nagbabasa. I think Mr. Scott *^^#^ is an American. Tunog American ang pangalan. Tinawag nyang taxi ang taxi at hindi cab so he's probably not English).
Aleng mabait: Okay Mr. Scott. I'll give you P150. I think that's enough to reach Valle Verde (sabay tingin sa akin at ako naman ay tumango). Then I'll give you my number as well and text me tomorrow (di ko alam kung tungkol sa bayad o para malaman nya lang kung nakarating ng maayos si Mr. Scott)
Scott (may pangalan na sya): This is embarrassing but thank you.
Aleng mabait: Why don't I just write mynumber here. I'll not do the sketch anymore (mukha naman kasing hirap na hirap sya simulan e). I'll just go with you at the corner and help you call a taxi. I'll give the instructions and I'll also write the plate number.
Hiyang hiya si Mr. Scott sa nangyari. Feeling nya siguro ang tanga tanga nya. Ako rin nahiya kasi isa na namang foreigner ang naisahan ng isa nating kababayan. Hindi ako nahihiya dahil foreigner sya at ang tingin ko sa kanya ay dapat may special treatment. Nakakahiya lang kasi noong umaga lang na yon sigeng pagtatanggol pa ako sa mga Filipino (mga Pinay to be exact). Kasi kung maaalala nyo, isang Devina DeDiva ang nangutya sa mga Pinay ng manalo sa Ms. World 2013 si Maegan Young. Sabi nya na ito ay isang joke. Hindi nya lubos maisip na mananalo ang isang Filipina dahil mga maid ang tingin nya sa mga ito. Angdaming nagtanggol kay sa mga Filipina hindi lamang mga kababayan natin pero maging mga dayuhan rin. Ako rin nakisali na. Kaya parang nakakainis na may mababalitaan kang ilang mga kababayan rin natin ang gumagawa ng masama para madungisan kahit bahagya ang ating bansa. So anong susunod sa maids, ang mga Pinoy ay thieves. Sabagay, hindi naman na katakataka ito kung ang pinakamalaking isyu nga sa bansa ay ang nakawan sa pinakamatataas na pwesto.

![]() |
| image from numerous facebook posts |
Monday, September 30, 2013
Chito and Neri Scandal - Galit at Ganti?
Narinig ko kagabi na usap usapan sa may kanto na may bagong sex video na naman daw si Chito Miranda at si Neri Naig. Akala ko naman hindi totoo kasi wala pa nga yatang isang buwan nung may lumabas yungunang video so parang imposible naman na meron nga. Pero totoo pala. Pagkabukas ko ng balita sa internet kanina yun agad ang isa sa mga unang tumambad sa akin. Meron nga pala talagang pangalawang video.
Nakakaawa naman itong dalawang ito. Sa unang banda baka magalit kayo sa akin sa pagsasabi kong kawawa sila. Hindi naman sang ayon ako sa dalawang ito. Sa tingin mali silang talaga sa pagkuha ng video ng kanilang sexual acts. Kahit pa sabihin ni Chito o ni Neri for personal consumption lamang ito, hindi pa rin tama. Sige, sabihin na nilang hindi mali ang pag vi-video kung yan ang pinaniniwalaan nila. Pero hindi ba sila natakot na malaki ang posibilidad na malantad ito? Sa dami na ng mga ganitong kaso nung mga nagdaang panahon, sana natakot sila.
Magulo ba ako? Sabi kanina naaawa ako sa kanila. Pero sabi ko rin na mali sila. Totoo namang pareho. Naniniwala ako na mali sila. Pero naaawa ako kasi parang sinasadya naman yata ang paglabas ng mga videos na ito. Para kasing may plano talaga ang paglalabas nito. Kasi kung titingnan mo pwede naman ilabas lahat ng videos noong una di ba? Pero hindi nilabas agad ang part 2. Kasi nga naman, pag lumipas na ang ingay sa uang labas eh wala ng pag-uusapan. Di ba pang ganoon na nga ang nangyayari. So kung may itatago ka pa nga naman, may mailalabas ka pa ulit pag tumahimik na ang alingasngas. Wais di ba?
Sa tingin ko may nagawan ng kasalanan ang isa kina Chito at Neri kaya nangyayari ito. Baka may nasagasaan silang tao. Kung ganon e di ba parang tama lang ng gawin ito sa kanila? Pero hindi rin sa aking opinyon. Kung sinaktan ka e matutuwa ka bang gumanti? Baka kasi sa huli makonsyensya at ikaw din ang mawalan ng peace of mind sa bandang huli. Tsaka baka yung ginantihan mo eh hindi lamang sya ang masasaktan kundi ang mga iba rin taong nakapaligid sa kanila na wala namang malay sa kasalanan nila. Parang napaka helpless naman nila.
So ano na naman ba ang magulo kong punto? Wala masyado. Ang sa akin lang, kung pwede namang hindi gumanti eh wag na lang. Kasi baka gumanti ulit yung ginantihan mo eh paikot ikot na yan. Vicious cycle na yan. Parang mga fraternity wars at clan wars. Mahirap na itigil yan. Mahirap na sugpuin.

Subscribe to:
Posts (Atom)